HIMNO NG STO. NIÑO

DAKILANG BAYAN KA, OH STO. NIÑO
PINAGPALANG LUPAIN NG TIMOG COTABATO
TAGLAY MO’Y MALAWAK NA KAPATAGAN
GININTUAN KA NANG MASAGANANG PALAYAN

KANLUNGAN KA NG MGA NAGBUBOKLOD NA MGA TRIBO
MAGKAIBA MAN MAY IISANG LAKAS AT TALINO
LANDAS AY TINATAHAK PAG-ASA’Y TINATANAW
HANGARIN AY ASENSO AT MAPAYAPANG IKAW

STO. NIÑO MALIIT NA BAYAN MAN
NAGNININGNING TAGLAY MONG KAGALINGAN
DANGAL MO’Y KUMIKISLAP SA ANUMANG LARANGAN
KAHIT SAAN KUMIKINANG,
DAKILA MONG PANGALAN
SAAN MAN KAMI MAKARATING
SA PILING MO’Y MAGBABALIK PA RIN
MAHAL NAMING BAYAN KINAGISNAN
SAYO’Y MAGPUPUGAY MAGPAKAILANMAN

STO.NIÑO MALIIT NA BAYAN MAN
NAGNININGNING TAGLAY MONG KAGALINGAN DANGAL MO’Y KUMIKISLAP SA ANUMANG LARANGAN
KAHIT SAAN AY KUMIKINANG,
DAKILA MONG PANGALAN

MABUHAY KA, MABUHAY KA, ASENSO STO. NIÑO!