Service with heart and SOL!

Nakiisa ang Lokal na Pamahalan ng Sto. Niño sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Sa Memorandum na ipinalabas ng Alkalde, Hon. Sulpicio F. Villalobos, hinikayat ang lahat ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan na dumalo sa espesyal na seremonya ng pagtaas ng watawat at kulminasyon.

Malugod na dinaluhan ni Gng. Maricel Piccio, guro ng Sto. Niño National High School, ang imbitasyon na maging panauhing pandangal at ibinahagi ang kaniyang kaalaman ukol sa temang, “Filipino at mga katutubong Wika: Kasangkapan sa Pag tuklas at Paglikha”.

Sa mensahe ng Alkalde, kaniyang binigyang diin ang kahalagahaan ng paggamit ng sariling wika dahil ito ang susi ng maayos na komunikasyon at pagbibigay ng maayos na serbisyong publiko sa ating bayan.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto ay alinsunod sa intinakdang Proklamasyon Bilang 1041, taong 1997. Ika nga ni Manuel L. Quezon na siyang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa, “Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan”, at ang pagtataglay ng wikang maituturing nating atin ay pagkakaroon ng sarili nating pagkakakilanlan.

(jmh/cmel)

#padayonASENSOStoNiño